LAOAG CITY – Hindi naging hadlang ang kapansan ng isang person with disability para tumulong sa mga kababayan niyang apektado ng Enhanced Community Quarantine sa Batac City, Ilocos Norte.
Ayon kay Jessica Madalipay, mula sa sariling bulsa ni “Uncle Basil” o Leonardo Bala, 32, mula Quiling Norte, ang mga ipinamahagi nitong relief goods sa ilang kababayan.
Ibinibenta raw ni Bala ang mga napupulot na kalakal na gamit at basura at ito ang pinambibili ng binibigay na tulong.
Sa loob ng isang buwan, nakakalikom daw ng P4,000 ang may kapansanan at agad na namili ng bigas, tinapay, de latang pagkain at iba para ipamahagi.
Grade 1 lang daw ang tinapos ni Bala, pero hindi ito naging hadlang para maging mabuti siya sa kanyang kapwa, lalong-lalo na sa panahon ng ganitong krisis.