-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang lalaki sa pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Di pa tukoy ang pangkakilanlan ng biktima dahil walang nakuhang pitaka sa kanyang katawan.

Ayon kay PMAJ Jenahmeel G. Toñacao,Cheif of Police ng Lambayong MPS na binaril ang biktima ng mga hindi kilalang suspek sa bahagi ng purok Conception Barangay Sadsalan Lambayong Sultan Kudarat.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Tacurong.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa katawan kaya agad itong binawian ng buhay.

ang biktima ay nakasoot ng red t-shirt at blue short pants, 5’5 -5’8 ang taas at nasa 25-30 ang edad.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa pamamaril patay sa biktima.