NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang persona matapos umanong pagtatagain sa Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Sergio Manahan, 62-anyos, residente ng Brgy. Batang sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na isang Alvin Castro, employer ng biktima ang pumunta umano sa bahay ni Manahan upang humingi ng tubig.

Ngunit nang tila hindi ito sumagot ay binuksan na ni Casto ang pinto ng bahay ng biktima at dito na tumambad ang wala ng buhay na katawa ni Manahan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang krimen lalo na ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.