-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos na tumalon sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Makati City nitong hapon.

Kinilala ang naturang lalaki na si Mas Sandamon, 21-anyos, residente ng Marang Sumisip, Basilan.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, palaboy sa kalye si Sandamon.

Tumalon umano ito at nahulog sa riles ng tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations.

Makikita sa litrato ng MRT-3 management na diretsong nakahiga ang biktima sa riles ng tren.

Sa ngayon, inaalam pa ng Makati police ang background ni Sandamon, na kaagad na binawian ng buhay dahil sa natamo nitong mga head injuries kasunod ng insidente.