-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Patay ang isang binata matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa metro ng tubig sa bayan ng Mangaldan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Mag-aalas-dos ng madaling araw nang mangyari ang nasabing insidente kung saan isang 21 taong gulang na binata, estudyante, at residente ng Brgy. Lasip Boquig, Calasiao ay pauwi sa kanilang bahay matapos dumalo sa isang birthday celebration gamit ang isang motor.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo ang biktima pakaliwa sa national highway ng brgy. Anolid at nang marating ng bikitma sa pinangyarihan ng insidente, ay hindi niya na-kalcula ang sharp curve ng nasabing highway.

Nawalan ng kontrol ang rider sa steering bar at nahulog sa konkeretong semento.

Agad na rumesponde ang mga Mangaldan PNP nang matanggap nila ang report ukol sa nasabing self-vehicular accident at nakita ang mga natamong injury ng biktima.

Agad itong dinala sa pagamutan ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Paalala ng mga awtoridad na maging responsableng mga riders o motorista at iwasan ang mga bagay na maaaring maging rason ng aksidente.