-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng sariling tiyuhin sa Batuan, Balasan Iloilo.

Ang biktima ay si Nico Agcawili, 29 at ang suspek naman ay si Simplicio Villariez.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kayn Police Major Samuel Vipinosa, hepe ng Balasan Municipal Police Station, sinabi nito na napag-alaman ng suspek na nagpapakalat ng tsismis ang kanyang pamangkin.

Ayon kay Vipinosa, habang nagsisibak ng kahoy, sinaksak ng patalikod ng suspek ang kanyang pamangkin ng limang beses na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, nasa ospital pa ang tiyuhin na sinaksak rin ng biktima.