-- Advertisements --
NAGA CITY – Patay ang isang 47-anyos sa mangingisda matapos pagtatagain sa Brgy Poblacion, Patnanungan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Pablito Bota 47-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napagalaman na habang nag iinoman ang biktima at suspect na si Elvisio Onde, 56-anyos sa isang lamay sa kanilang lugar nang magkaroon umano ito ng hindi pagkakaintindihan.
Agad umanong binubot ni Onde ang kanyang balisong at pinagsasaksak ang biktima.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahahi ng katawan ang biktima na nagresulta ng agad na pagkamatay nito.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspect at nahaharap sa karampatang kaso.