NAGA CITY- Nauwi sa shoot out ang isinagawang anti-illegal drug operations ng mga otoridad sa Almeda Highway, Concepcion Grande Naga City.

Kinilala ang suspek na si Dirimpasan Unte 51-anyos , No. 1 Regional Recalibrated Priority Data Base on Illegal Drugs Region 4a at residente ng Brgy. Datu Ismael. DasmariƱas Cavite.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Tobias Bongon tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinasabing nasa gitna ng operasyon nang matunugan ni Unte na pulis ang kanyang katransaksyon.

Kaugnay nito, sinubukan aniyang manlaban si Unte kung saan pinaputukan nito ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang operating team.

Dahil sa malalang tama, agad namang binawian ng buhay si Unte na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Samantala, narekober naman dito ang dalawang plastic ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P28,000 at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.