Binawian ng buhay ang isang lalaki sa England matapos nitong ma-trap sa itaas ng isang 290-foot industrial chimney.
Hindi kinilala ng mga otoridad ang biktima ngunit ayon sa mga ito nasa itaas umano ng Dixon’s Chimney sa Carlisle bandang 2:20 ng madaling araw.
Tumulong din ang Cumbria at Lancashire fire and rescue employees upang mailigtas lamang ang 50-anyos na lalaki ngunit 4:45 ng hapon nang ideklara ng Cumbria Police na patay na ang na-rekober nilang biktima.
Hindi naman malinaw para sa kapulisan kung paano napunta sa tuktok ng naturang chimney ang lalaki.
Gumamit din umano ang mga otoridad ng drones at helicopter upang mapabilis ang pagliligtas nila rito.
“All this was done with the aim of bringing the man down safely and while maintaining the safety of emergency services staff,” saad sa inilabas na pahayag ng mga otoridad.
“The thoughts of all the emergency services and partners are with the family and friends of the man,”