-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang motorista habang nasugatan ang kanyang kaangkas matapos maaksidente sa barangay road ng Cabaritan, San Manuel, Isabela.

Ang namatay ay si Jun Revilla, residente ng Brgy. Cabaruan, Quirino, Isabela habang ang nasugatan ay si John Mark Delfinado,12 Grade- 6 at residente ng Nuesa, Roxas, Isabela

Lumabas sa pagsisiyasat ng San Manuel Police Station na binabagtas ng sangkot na motorsiklo ang nasabing lansangan patungong silangan nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay napundi umano ang ilaw ng motorsiklo kung kaya’t hindi napansin ng tsuper ang pakurbang bahagi ng lansangan.

Bumangga ang motorsiklo sa puno ng ipil-ipil at nahulog ang mga biktima sa kanal.

Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Revilla.