CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki sa banggaan ng trike at motorsiklo sa barangay Naguilian Sur, Ilagan City.
Ang nasawing sakay ng trike ay si Gerry Bicera, apatnaput siyam na taong magsasaka na residente ng Brgy, Sta. Isabela Sur, City of llagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa IPPO -Ilagan City Police Station na ang tsuper ng trike na nasangkot sa aksidente ay si Roel Terrena, tatlumput dalawang taong gulang, residente ng Sta. Isabel Sur,City of llagan habang ang isa pang motorsiklong sangkot sa aksidente ay minamaneho ni Arnel Alicco, labing walong taong gulang at estudyante.
Kaangkas din sa motorsiklo si Felix Catolico, labing apat na taong gulang, residente
ng San Ignacio, City of llagan,Isabela
Ang trike ay patungong Barangay Sta Isabel habang patungong Barangay Lullutan ang mga sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Alicco, hindi umano nito napansin ang paparating na trike dahil walang headlight kaya natagis nito ang likurang bahagi ng trike.
Dahil dito nahulog ang sakay ng trike na si Gerry Bicera, apatnaput siyam na taong magsasaka na residente ng Brgy, Sta. Isabela Sur, City of llagan.
Dead on Arrival sa pagamutan si Bicera habang habang patuloy nagpapagaling sa ospital ang tsuper ng trike at dalawang sakay ng motorsiklo.
Ayon sa pagsusuri ng manggagamot positibo sa nakalalasing na inumin ang mga sakay ng Trike.
Nagkasundo ang magkabilang at pumayag sa amicable settlement .