-- Advertisements --
Sugatan ang apat na katao matapos ang naganap na pag-amok ng isang lalaki sa isang Chinese restaurant sa Auckland, New Zealand.
Ayon sa mga otoridad na bigla na lamang pumasok ang suspek at may dala-dalang ibang mga armas gaya ng palakol at panaksak.
Dahil dito ay nagtakbuhang palabas ang ibang mga customer ng restaurant.
Isang Chinese national umano ang suspek na agaran ding naaresto matapos ang insidente.
Dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang ang hindi na pinangalanang suspek ay sinampahan na nila ng kaso.
Hindi naman itinuturing ng mga otoridad na isang racial crime ang insidente at isa lamang umano itong isolated cases.