LA UNION – Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng lalaki na bangkay na ng matagpuan at unang napabalitang missing sa Aringay, La Union.
Nakilala ang biktima na si Carmas Papa, nasa tamang edad at residente ng Barangay Salcedo, Luna, La Union.
Una rito, naipagbigay na nawawala umano ang nasabing biktima noong gabi ng Pebrero 12, at natagpuan na lamang na bangkay noong hapon ng Pebrero 13, 2020 sa boundary ng San Pascual, Tuba, Benguet at Tubao, La Union.
Ayon sa paglalarawan ni PMaj. Dominador de Guzman, ng Tuba Municipal Police Station na nagresponde sa lugar nabalot ng masking tape ang ulo ng bangkay at may sugat sa dibdib nito.
Kinumpirma naman ng pamilya ng biktima ang nasabing bangkay dahil sa tattoo nito sa kamay nang puntahan nila ito sa punerarya.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at sa motibo sa pagpatay sa biktima.










