KALIBO, Aklan — Umapela ng tulong para sa agarang operasyon ang pamilya ng isang 38-anyos na construction worker upang matanggal ang nakatarak na kutsilyo sa kanyang ulo.
Sabado ng gabi, nasaksak sa kanyang ulo ang biktimang si Sherwin dela Cruz, residente ng Sitio Kamanggahan Barangay Tambak, New Washington, Aklan matapos na masangkot sa isang rambol sa labas ng restobar sa nasabing lugar.
Isinugod ito sa Aklan Provincial Hospital na nakatarak pa ang kutsilyo sa kanyang ulo, ngunit kalaunan ay ibinayahe papuntang Iloilo dahil sa delikadong kalagayan nito.
Sa kabilang daku, kasalukuyang nakakulong sa New Washington Municipal Police Station ang itinuturong suspek na si Joseph Masinda Jr., sa legal na edad at residente ng Barangay Mabilo sa naturang bayan.
Ito ay sa kabila ng kanyang pagtanggi na siya ang sumaksak sa biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.










