-- Advertisements --

NAGA CITY- Dead-on-the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sitio Balsi, Brgy. Pagsangahan, San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ricky Verdida Aniban, 45-anyos, residente ng Brgy. Pugon, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang asawa ng bigla na lang harangin ang mga ito ng isang alias Gilbert, residente ng Brgy. Pugon, sa nasabing bayan kasama ang tatlo iba pang hindi pa nakikilalang mga suspetsado.

Kun saan, dito na binaril ng suspek ang biktima sa kaniyang ulo na nagin rason ng agarang kamatayan nito.

Samantala, agad rin na tumakas ang suspek matapos isagawa ang krimen bitbit ang baril na ginamit nito.

Pinaghihinalaang rin na hindi nabayarang utang ang motibo sa naturang krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang paghahanap sa posibleng kinalalagyan ng mga tumakas na mga suspek.