-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na tinutigis ng mga otoridad ang mga suspek na brutal na pumatay sa isang lalaki sa loob ng tinutuluyan nitong barracks sa Ana Ros Village, Calajunan, Mandurriao, Iloilo City.

Ang biktima ay si Peter Galea, residente ng Calumpang, Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jonathan Pinuela, hepe ng Mandurriao Police Station, sinabi nito na isang construction worker ang nakakita sa bangkay ng biktima na puno ng dugo.

Anya, nakipag-inuman pa ang biktima kagabi kasama ang dalawang lalaki ngunit kinaumagahan, nawala na ang ito.

Nagtamo naman ng dalawang sugat sa dibdib ang biktima.

Maliban ito, nakabalot rin ng sako at nakalabas pa ang ari ng biktima ng ito ay matagpuan.