-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Washington ang isang lalaki matapos ang pagbangga nito ng kaniyang minamanehong truck sa security barrier na malapit sa White House.

Ayon kay Secret Service spokesman Anthony Guglielmi na sinadya ng 19-anyos na driver na si Sai Varshith Kandula mula sa Chesterfield, Missouri ang paggbangga ng kaniyang truck sa mga barier sa Lafayette Square.

Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Base sa nakakita ng insidente na dalawang beses ng binangga ng suspek ang nakalagay na barrier ng parke.

Wala namang nakitang anumang kontrabando ang mga otoridad sa loob ng nasabing truck.
Sinampahan na ng patong-patong na kaso ang naarestong suspek.