-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa limang bilan ng kasong statutory rape ang 54-anyos na lalaki matapos molestiyahin ang limang menor de edad sa Purol La Purisima, Bara-as, Barangay Tubod, Iligan City.
Kinilala ni Iligan City Police Station 4 commander Maj Abogado Mautin Jr ang suspek na si Eric Castillon, may asawa at residente sa naturang lugar.
Napag alamang lasing ang suspek nang halayin nito ang mga biktima na may edad na tatlo hanggang pitong taong gulang.
Ayon sa pulisya, ipinasok umano ni Castillon ang kamay nito sa ari ng kanyang mga biktima.
Kapalit ng kahalayan na ginawa nito ay binigyan ng suspek ang mga biktima ng tig-P20 bawat isa.