-- Advertisements --
Arestado ang ilsang lalaki na sinasabing lider ng kulto sa matapos na ito ay nanggahasa umano ng mga menor de edad sa Quezon City.
Base sa reklamo ng mga biktima na may edad 10, 12 at 14 minolestiya umano sila ng suspek na si Romeo Delos Reyes isang janitor at lider ng religious group.
Nagsasagawa umano ang suspek ng pangkukulam.
Ayon sa mga biktima na hinawakan ng suspek ang kanilang maseselang bahagi ng katawan habang isinasagawa ang panggagamot.
Sinabi ni Police Liutenant Colonel Elizabeth Jasmin na matapos na magsumbong sa kanila ang mga ina ng biktima ay agad nilang inaresto ang suspek.
Mariing pinabulaanan naman ng suspek ang nasabing alegasyon.