-- Advertisements --
Arestado ang isang lalaki matapos na tapunan nito ng cake ang sikat na painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa sa Louvre, Paris.
Nagpanggap ang lalaki na isang matandang babae na nakasakay sa wheelchair at paglapit nito sa painting ay tumayo siya at tinapunan ng cake ang nasabing painting.
Hindi naman nasira ang painting dahil sa nakalagay ito sa bullet-proof na salamin.
Ipinadala ng mga kapulisan ang 36-anyos na suspek sa psychiatric unit para suriin kung may deperensiya ito sa pag-iisip.