-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act gayundin sa umiiral na Comelec gun ban ang isang lalake matapos na maaresto sa illegal na pagbebenta ng armas dakong alas-7:00 ng gabi sa bayan ng Makato, Aklan.

Kinilala ni P/Lt. Merriefin L. Carisusa, OIC chief of Police ng Makato Police Station ang suspek na si Rodel Temporaza, 26, at residente ng Barangay Tibiawan sa nasabing bayan.

Sa naganap na buy-busy operation, nakuha ng mga awtoridad mula sa kaniya ang isang 12 gauge home made shotgun na may lamang tatlong bala kapalit ng P11,000 na marked money.

Si Temporaza ay kasalukuyang nakakulong sa tanggapan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.