-- Advertisements --

Walang gaanong gagawing pagbabago ang Los Angeles Lakers sa diskarte nila laban sa Denver Nuggets sa pagsisimula ng kanilang Game 4 ng Western Conference.

Sinabi ni Lakers star LeBron James na mas paiigtingin pa nila mabuti ang kanilang depensa.

Isinalarawan na nito noong Game 3 na naging agresibo ang Nuggets kumpara sa kanilang mga diskarte.

Isa aniyang pag-iingatan nila ay ang pagkamit ng maraming turnovers.

Magugunitang hawak na ng Lakers ang 2-1 na kalamangan sa best-of-seven series nila laban sa karibal na Nuggets.