-- Advertisements --

Hirap pa ring matanggap ng Los Angeles Lakers ang hindi nila pagpasok sa NBA Playoffs.

Ang pagkatalo nila sa Phoenix Suns na 121-110 at ang naging panalo ng San Antonio Spurs sa Denver Nuggets 116-97 ay malinaw ang pagkalaglag ng Lakers sa listahan.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2019 na hindi kasali ang Lakers sa playoffs at ang pang-apat na beses ng pumasok sa Lakers si LeBron James sa koponan noong 2003.

Sinabi ni Lakers coach Frank Vogel na dismayado sila sa ilang libong fans nila ganun din sa buong franchise.
Dagdag pa nito na wala aniyang nagkulang sa kanila dahil ginawa aniya ng kaniyang mga manlalaro ang makakaya para manalo subalit hindi ito naging sapat.

Sa panig naman ni Lakers player Russell Westbrook ay hindi nito mawari kung sino ang nasabing nagkamali para hindi magtagumpay sa playoff.