-- Advertisements --
Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng 44 points habang si Bobby Portis ay may 23 points kasama ang limang mga 3-pointers para ilampaso ng Milwaukee Bucks ang Los Angeles Lakers, 131-116.
Hindi rin naman nagpahuli si Khris Middleton na sa first half pa lamang ay nagpakawala na ng 21 points para sa ika-apat na sunod na panalo ng NBA defending champions.
Dinomina naman ni Antetokounmpo ang laro at walang magawa ang depensa ng Lakers laban sa two-time MVP para itala ang kanyang panibagong highest-scoring performance.
Maging ang 27 points ni LeBron James at diskarte ni Anthony Davis na nagpakita ng 22 points at nine rebounds para sa Lakers ay hindi naging sapat upang pigilan ang ika-35 panalo ng Bucks, habang lalong nabaon sa 26-29 record ang LA.