-- Advertisements --

Tuloy na tuloy na ang muling pagsasama nina LeBron James at J.R. Smith.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Los Angeles Lakers na kanilang kukunin si Smith bilang pandagdag puwersa sa koponan.

Papalitan nito si Avery Bradley na mas piniling hindi maglaro sa pagsisimula ng laro dahil sa pangamba nito sa kaniyang kalusugan.

Naging malaking tulong ni Smith sa pagkakuha ng Cleveland Cavaliers ng kanilang kampeonato noong 2016 kasama noon si James.