-- Advertisements --

tram6

Ipinagmamalaki ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte ang nailunsad nilang educational tourism ride.

Nitong Martes, November 23, pormal na inilunsad ang “Lakbay Pinas Tram Ride” na dinaluhan ni Department of Tourism (DOT) for Mindanao Usec. Myra Paz Abubakar.

Humanga si Abubakar sa Tram Ride Project at pinuri lalo na ang Tourism office sa kanilang effort para pagandahin pa lalo ang siyudad.

Ang Lakbay Pinas ay ang kauna-unahan at nag-iisang “historio-kultura” amusement ride sa buong Pilipinas kung saan sa loob ng limang minutong panonood ay mamamangha ka sa mga magagandang tanawin.

Ang proyekto ay bahagi pa rin ng aktibidad ng siyudad sa Quincentennial Commemoration sa bansa.

Ayon kay Dapitan City Tourism Officer Ms. Apple Marie Agolong, ang Lakbay Pinas Tram Ride ay kanilang itinuturing na “The Ride of Our Life” dahil bukod sa malilibang ka sa mga magagandang tanawin ay hitik din ito sa kaalaman hinggil sa kultura at kasaysayan ng ating bansa.

“A new and fun way of learning about our history and culture have been brewing all this time. The same team that brought to the public eye ” Nia and Anwar,” the one-hour hit musical of the south that tackles the plight of the Philippine whale sharks or butandings.”

Sa Lakbay Pinas, tampok aniya ang limang magaganda at breathtaking views gaya ng larger-than-life historical spots, wildlife’s natural wonders, cultural festivals, heritage sites at iba pa.

Ilan sa lugar na itinampok sa Lakbay Pinas ay ang pag-revisit sa Maynila habang tumatawid ka sa Jones Bridge kung saan makikita dito ang Spanish architecture habang naririnig ang mga busina ng mga sasakyan.

tram5

Kakaibang excitement din ang mararanasan sa maingay at makulay na Maskara, Ati-atihan, Diananayang at Sinulog dance festivals sa Visayas.

Matutulala ka sa ganda ng tanawin sa Mindanao lalo na kapag makita ang Grand Mosque sa Cotabato na pinakamalaking mosque sa Pilipinas at pangalawa sa Southeast Asia.

Mamamangha ka sa ganda ng Maria Cristina Falls na isa sa stunning landmark ng Iligan.

Kakaibang ganda ang makikita sa pagbisita naman sa naging tahanan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang Rizal Shrine sa Dapitan City kung saan siya na-exile.

tram
tram1

“Lakbay Pinas, is a project of Gloria Fantasy Land, also boasts of high-tech equipment which will be featured in its new video and light exhibition attractions,” pahayag pa ni Ms. Agolong.

Mismong ang dating politiko na si Romeo “Nonong” Jalosjos ang nagsulong sa proyekto na kaniyang regalo para sa kanilang mga constituent.

Si Jalosjos ay nagdiwang ng kaniyang 81st birthday kahapon.

Ayon kay Agolong, hinamon ng nakatatandang Jalosjos ang kaniyang mga anak na gumawa ng kahalintulad na proyekto.

Nais kasi ni Jalosjos na may mapuntahang pasyalan ang mga bisita ng siyudad at maging ang mga residente ng Dapitan.