Sisikapin umano ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na maglabas pa ng bala para matupad ang mandatong pagbawi sa sinasabing nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay PCGG acting chairperson Reynold Munsayac, patuloy na makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa Office of the Solicitor General para masolusyonan at mabigyang proteksyon ang interes ng pamahalaan sa mga kaso.

Nasa limang malalaking ill-gotten wealth case laban sa mga Marcos ang ibinasura ng Sandiganbayan.

Kabilang na dito ang P200-bilyong forfeiture case na naglalaman ng bank deposits, real properties at iba’t-ibang kompanya sa Pilipinas at ibang bansa.

Ikinagalak naman ni Munsayac ang pahayag ni Sen. Richard Gordon na handang magbukas ng imbestigasyon sa Senado hinggil sa mga naging desisyon ng anti-graft court sa mga hawak na kaso ng PCGG.

“PCGG welcomes Senator Gordon’s pronouncement that he intends to initiate a Senate inquiry on the recent Sandiganbayan decisions involving PCGG. The PCGG will cooperate with the Senate and submit all available data regarding the cases,” ani Munsayac.

“The PCGG, however, reiterates that all of these cases were filed and litigated during previous administrations, some of which were already submitted for decision as early as 2010,” dagdag pa nito.