-- Advertisements --

Inihayag ni Bienvenido Laguesma, ang pinili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na mamuno sa Labor department, na siya ay magiging receptive sa mga panukalang labor policy na nagmumula sa mga grupong may iba’t ibang political ideology.

Aniya, hindi siya uupo sa DOLE (Department of Labor and Employment) na sarado ang isip, na alam niya kung ano ang gagawin dahil ang pag-aaral aniya at pakikinig ay isang “continuing process” na hindi puwedeng sabihin na you have the monopoly of everything.

Binanggit niya ito, habang hinaing niya ang tinatawag niyang “fragmented” trade union movement at halos hindi nagbabago ang antas ng unionization sa Pilipinas mula nang magsimula siyang maglingkod sa departamento.

Kapag makumpirma ng Commission on Appointments, magsisilbi si Laguesma sa kanyang pangalawang tungkulin bilang Labor Secretary.

Naglingkod siya bilang pinuno ng DOLE sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada mula 1998 hanggang 2001.

Matapos niyang kumpirmahin ang kanyang pagbabalik sa departamento, sinabi ni Laguesma na wala siyang “magic wand” o solusyon sa mabilisang pag-aayos sa mga isyung nakapalibot sa sektor ng paggawa.