Posibleng makabalik na ngayong araw sa normal ang mga flights sa East Coast sa US matapos na makansela ang mga ito dahil sa thunderstorm.
Aabogt sa mahigit 1,100 flights ang papasok at palabas ng US ang nakansela dahil sa thunderstorm warning.
Sa LaGuardia Ariport lamang ay mayrong 230 cancellations habang sa Joh F. Kennedy International Airport ay mayroong 90 flights at mahigit 110 filghts naman ang nakansela sa Logan International Airport sa Boston.
Humingi naman ng paumanhin ang mga airline companies sa mga pasaherong naapektuhang dahil sa pagkakantala ng mga flights.
Nagbabala pa ang National Weather Service na makakaranas pa rin ng severe thunderstorms ang bahagi ng New York, ennsylvania, Maryland, Delaware, Virginia at North Carolina.
Ang nasabing sama panahon ay magdadala ng malakas na pagkidlat at minsan ay tornadoes.