-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang labi ng Pinaya na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.

Sinalubong ng mga kaanak nito ang labi ni Wilma Tezcan ng lumapag ang pinagsakyan na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport nitong hapon ng Miyerkules.

Isa kasi si Tezcan sa dalawang Filipino na nakasamang nasawi sa lindol sa Turkey.

Kasama ng kaanak na ito na sumalubong ang ilang mga opisyal ng Oversease Welfare Workers Administration (OWWA).

Labis naman ang paghihinagpis ng kaanak nito dahil sa hindi inaasahan ang sinapit ni Wilma sa nangyaring lindol sa Turkey.