-- Advertisements --

LAOAG CITY – Narekober ang bangkay ng isang babae sa Lungsod ng Laoag sa loob mismo ng kanyang apartment sa Barangay 2, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Juvilyn Bardiaga, 26-anyos na manager ng Savemore sa nasabing lungsod pero taga-Buenavista, Santiago City sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Police Major Paul Benedict Parado, chief of police sa bayan ng San Nicolas, walang pang-ibabang saplot ang biktima at nakataas ang kanyang blouse habang ang mukha nito ay parang nabagsakan ng mabigat na bagay.

Aniya, may nakita pa silang nakasulat na “RIP” sa bintana ng apartment ng biktima.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung paano pinatay ay biktima at kung ito ay ginahasa bago pinatay.