-- Advertisements --
Gaganapin sa Saudi Arabia ang laban ni Anthony Joshua kay Tyson Fury.
Sinabi ng boxing promoter ni Joshua na si Eddie Hearn na kanila ng inaayos ang lugar at petsa ng all-British fight ng dalawang heavyweight boxer.
Posibleng ganapin ang nasabing laban sa Agosto 7 o 14.
Parehas aniya ang mga tao na kanilang kinakausap noong rematch ni Joshua kay Andy Ruiz Jr.
Magugunitang nabawi ng 31-anyos na si Joshua ang kaniyang WBA, WBO at IBF belts ng talunin si Ruiz sa laban na ginanap sa Diriyah sa Saudi Arabia noong Disyembre 2019.
Magugunitang noong Marso pa lamang ay pinalutang na ni Hearn ang laban ng dalawa.










