Nagtapos sa technical draw ang laban ni John Riel Casimero kay Yukinori Oguni.
Ito ay matapos na magtamo ng sugat si Oguni sa accidental headbutt sa kanilang junior featherweight fight na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.
Ang dalawang judges ay pumabor kay Casimero 29-28 habang ang ikatlong judge ay pumabor kay Oguni sa parehas na score ng itigil ng referee na si Yuji Fukuchi sa 27 second ng ikaapat na round.
Ito ang unang draw sa record ng 34-anyos na si Casimero matapos ang siyam na magkakasunod panalo nito.
Ang dating IBF junior flyweight, IBF flyweight at WBO bantamweight titleholder mula sa Ormoc City ay mayroong record na ngayon na 33 panalo, apat na talo, isang draw na may 22 knockouts habang ang 35-anyos na isi Oguni ay mayroong 21 panalo, dalawang talo, tatlong draw na mayroong walong knock outs.