-- Advertisements --

Maaga na ring pinaghahandaan ng pamahalaan ang La Nina phenomenon, kahiot nasa peak pa tayo ng El Nino phenomenon.

Kung ang El Nino kasi ay tungkol sa matinding kakulangan ng tubig, ang La Nina naman ay labis ang inaasahang volume ng tubig at posibleng magkaroon ng mga pagbaha.

Ayon kay Task Force El Niño spokesperson and Communications Assistant Secretary Joey Villarama sa panayam ng Bombo Radyo, nakita nila ang kahalagahan ng maagang paghahanda para mas mabigyan ang publiko ng public awareness.

Gayunman, hindi umano nila iiwanan ang pagtutok sa mga kinakapon ng tubig, kagaya ng Southern Luzon, Southern Tagalog at Western Visayas, lalo’t mananatili pa ring madalang ang ulan sa panahon ng pre-La nina season.

Posible rin ayon kay villara na ang kasalukuyang El Nino task force ang mismong mangangasiwa sa pagtugon sa La Nina, kaya walang nakikitang malaking adjustment ang kanilang lupon.