-- Advertisements --

Pinatawan ng multa ng Wimbledon ang sina tennis star Nick Kyrgios at Stefanos Tsitsipas.

Ito ay matapos ang naganap na bangayan nila ng sila ay magharap sa ikatlong round ng nasabing torneo.

Mayroong $10,000 na multa ang world number 5 na si Tsiptsipas dahil sa unsportmanlike conduct.

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking multa na naipataw ng Wimbledon sa isang manlalaro.

Kahit na humingi ng ng paumanhin ang Australian player matapos na tamaan ang bola sa stands ay hindi pa rin ito pinalampas ng mga organizers.

Habang ang Greek player na si Tsitsipas ay pinatawan ng $4,000 dahil sa pagmumura.

Kahit na nasa labas na sila ng court ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang palitan ng masasamang salita.

Ang 27-anyos na si Kyrios ay makailang beses ng inireklamo dahil sa magaspang nitong pag-uugali sa playing court.