-- Advertisements --

Tinawanan lamang nga actress na si Kylie Padilla ang lumabas na usapin na mayroon namamagitan sa kanila ng actor na si Gerald Anderson.

Matapos kasi ang pagsama nilang dalawa sa Switzerland dahil sa ginagawang pelikula ay kumalat ang balitang nagkakamabutihan sila ng actor.

Hindi na sana nito papatulan ang usapin subalit nakiusap na lamang ito sa kaniyang handler na magbigay linaw para matapos na ang umanoy fake news.

Dagdag pa nito na nakatuon ngayon siya sa career kahit na mayroong ibang nagpaparamdam.

Hindi na rin nito na pinatulan ang tsismis na nabuntis umano ng dating asawang si Aljur Abrenica ang actress na si AJ Raval.