-- Advertisements --
Kylie Jenner 2

Nagpahiwatig ang American socialite na si Kylie Jenner na handa na itong kumawala sa aniya’y kanyang “quarantine pounds” o tila nadagdag na timbang sa gitna ng hindi paglabas ng bahay bunsod ng coronavirus pandemic.

Kaugnay nito ay nag-post ang 22-year-old model ng kanyang throwback picture noong January kung saan ito ay naka-bikini lamang at tiniyak na muli itong ibabalik sa lalong madaling panahon.

Si Kylie na siyang pinakabatang miyembro ng pamilya Kardashian ay itinanghal ng Forbes magazine noong nakaraang taon bilang pinakabatang self-made billionaire dahil sa pagkakaroon ng kabuuang net worth na $1 billion o katumbas ng nasa P50 billion.

Nabatid na naniniwala ang mga eksperto sa Estados Unidos na mahigit 20 milyong Amerikano na ang posibleng tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa ilang opisyal ng Centers for Disease Control and Prevention, ito ay base rin sa bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Amerika na nasa pagitan ng 2.3 million at 2.4 million. (OMG)