ILOILO CITY – Kulong ang isang lalaki matapos binaril-patay ang kanyang sariling kapatid sa Barotac Nuevo, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Salvador Padisio, 32-anyos, habang ang suspek naman ay si Francis Padisio, 31, kapwa residente ng Barangay Lagubang sa nasabing bayan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Capt. Kenn Albert Lepsia, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, sinabi nito na matagal nang may alitan ang magkapatid.

Bago ang pangyayari, nagkasagutan pa umano ang magkapatid ngunit hindi na napigilan ng suspek ang emosyon dahilan upang barilin nito ang kanyang kuya.

Ani Lepsia, tinamaan sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, hinihintay pa ng mga otoridad ang desisyon ng kaanak ng suspek kung sasampahan nila ito ng kaso.