KORONADAL CITY – Nababahala na rin umano ang mga ilang Kuwaiti employers makaraang ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang total deployment ban ng mga OFWs sa kanilang bansa.
Ito ang ibinahagi ni Teresa Margate, isang Pinay domestic helper, na isang taon nang nagtatrabaho sa Kuwait, sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Margate na tubong Iloilo, apektado rin sa kontrobersiyal na Villavende case ang mga mabubuting Kuwaiti employers amo dahil nadadamay sila sa naturang kaso.
Dagdag ni Magarte, natatakot maging ang kanyang among babae kapag sapilitan silang pauwiin at hindi na makakabalik dahil wala nang mag-aalaga sa kanila.
Ibinahagi rin nito na kung ang amo ang kanyang tatanungin, mas mainam kung sapitin na lang ng mga amo ni Jeanelyn Villavende ang ginawa nito sa naturang OFW.