-- Advertisements --

Pinatawan ng multa ang kumpanya ni dating US President Donald Trump ng $1.6 milyon.

Napatunayan kasi ng mga judge sa New York na guilty ang Trump Organization sa panmemeking ng kanilang mga business records noong Disyembre.

Tanging tao na nasampahan sa kumpanya ay ang dating chief financial officer ni Trump na si Allen Weisselberg.

Magugunitang may kinakaharap na kaso pa rin si Trump at ang mga anak nito mula sa hiwalay na kaso sa New York dahil kasama ang mga anak nito dahil sa katiwalian.