-- Advertisements --

CEBU – Nasa kustodiya na ngayon ng Mandaue City Police Office, Station 3, ang suspek na walang awang nambugbog ng kahera ng isang parlor sa Barangay Basak, lungsod ng Mandaue, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Samuel Dumaguit, 23 taong gulang, at residente ng Barangay Nangka, Consolacion, Cebu.

Isinuko mismo ng kanyang ina ang suspek sa Consolacion Police Station matapos na nagkalat na sa social media ang CCTV footage at ang mukha nito.

Dali naman itong kinuha ng mga sakop ng MCPO Station 3.

Una nito, kuha sa CCTV ang pagpasok ng suspek sa beauty salon kung saan nag-iisa noong oras na iyon ang 30 taong gulang na kahera at bigla na lang dinakmal at walang pakundangan na binugbog.

Matapos na nawalan na ng lakas ang biktima ay dinala ito ng suspek sa loob ng CR.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung ni-rape din ba ng suspek ang biktima.

Nakuha ni Dumaguit ang cellphone ng biktima at P8,700 na cash.

Sa ngayon ay patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang biktima at magpa-hanggang ngayon ay hindi rin ito makakausap.