-- Advertisements --

Ibinunyag ng TV host/ actress Kris Aquino na napatawad na ito ng kaniyang kapatid na si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III bago ito pumanaw.

Hindi naman na nito idinetalye ang naging tampuhan nilang magkakapatid subalit sinabi niya na naging mapalad siya dahil nagkaayos na sila ng kaniyang kapatid.

Sa bandang huli din aniya ay itinuring siyang bunsong kapatid at siya ay minahal.

Magugunitang noong 2018 ng aminin ng bunsong kapatid ng dating pangulo na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kapatid.

Nitong Mayo 2021 ng aminin nito na nagkaayos na sila ng dating pangulo.