
Masayang ibinahagi ng aktres na si Kris Aquion ang kanilang larawan ng fiance na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento na nag-dine in sa isang fast food restaurant.
Nakasuot ang queen of all media ng kanyang gown habang barong Tagalog naman ang suot ng dating kalihim ng DILG.
Sa Instagram post ni Kris, sinabi nitong ito raw ang kanilang “first date.”
Galing daw ang magkasintahan sa isang kasalan at isa si Aquino sa mga sponsors.
Habang pauwi raw ang dalawa ay naisipan nilang dumaan sa isang fastfood chain dahil sa tagal na rin ng kanilang biyahe.
“It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person,” ani Kris.
Nagpasalamat din si Aquino sa branch ng fastfood chain dahil pinayagan silang mag-dine.