CAUAYAN CITY- Isang kotse ng Pinoy ang binasag ang salamin dahil sa nakadisplay na Philippine flag sa Amerika.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual ng Portland, Oregon na may kakilala ang kanyang kaibigan na binasag ang salamin ng kanyang kotse dahil sa flag ng Pilipinas na nakadisplay sa likod ng kotse.
Aniya, wala namang ninakaw o nawala sa loob ng kotse kaya naniniwala sila na ginawa iyon dahil sa nakalagay na palatandaan na ang may-ari ay isang Asyano.
Bukod dito ay mayroon ding staff ang kanyang kapatid na isang Pilipino na sumakay ng bus at pagbaba ay may nagtulak sa kanya na isang puting Amerikano.
Ayon sa kanya, ang mga pangyayari ito ay patunay lamang na nagiging puntirya sila kapag may palatandaan na sila ay Asyano kaya naman lagi na silang nag-iingat kapag lalabas sila ng kanilang bahay.
Naniniwala naman siya na may kaugnayan ito sa COVID-19 dahil dati ay maganda naman ang trato sa kanila na mga Asyano.














