-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Supreme Court en banc kay Cagayan Governor Manuel Mamba at kaniyang counsel na Macalintal Law Office na magbayad ng multa na P30,000 para sa indirect contempt.

Ayon sa SC, ito ay matapos na mabigo si Gov. Mamba at kaniyang counsels na patunayan ang kanilang inihaing petisyon para sa issuance ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction at kanilang pag-atras sa petisyon isang linggo ang nakalipas.

Sa 22 pahinang notice, sinabo ng Korte na kumbinsido ito na dapat ma-cite in indirect contempt sina Gov. Mamba at Macalintal Law office salig sa Rule 71, Section 3(c) ng Rules of Court.

Matatandaan na noong Agosto 2023, na-cite in contempt si Mamba ng Kamara at ipinag-utos na ikustodiya ito dahil sa paulit-ulit na kabiguan nito na dumalo sa inquiry kaugnay sa umano’y ilegal na paggasta ng lokal na pamahalaan noong campaign period noong 2022 national and local elections.

Inihain ng Gobernador kalaunan ang petisyon laban sa contempt at detention orders na inisyu laban sa kaniya. (With reports from Bombo Everly Rico)

Humarap din kalaunan si Mamba sa House panel kahit na hinarang na ng Sc ang pagpapatupad ng contempt at detention orders at humingi ang Gobernador ng paumanhin para sa kaniyang pagliban sa pagdinig at ipinaliwanag na hindi ito nakadalo dahil sa trabaho bunsod ng tumamang bagyo sa kanilang probinsiya.