-- Advertisements --
Supreme Court

Nagpaabot na rin ng mensahe si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa lahat ng mga Pinoy sa pagsalubong ng Pasko.

Sinabi ni Gesmundo na kahit ano pa man ang pamamaraan ng pagdiriwang ng Pasko, ang kahulugan naman nito ay pare-pareho lamang.

Aniya ang Pasko ay ang panahon ng walang hanggang pag-asa, pagmamahal at kapayapaan.

At sa kabila raw ng mga pagsubok na ating nakayanan sa buong taon ay narito na ang Christmastime.

Nakita raw natin sa ating mga sarili ang pag-asa, compassion at awa.

Dahil diro ay kailangan daw na magbigay nang mas marami, ngumiti at magpatawad.

Kahit ngayong Pasko man lang daw ay matigil ang mga hidwaan, mahinto ang mga problema at makalimutan ang mga away.

Samantala, nagpaabot na rin Manila Archbishop JOSE F. CARDINAL ADVINCULA ng kanyang mensahe.