-- Advertisements --
Ibinasura ng korte sa Russia ang hirit ng kampo ni US journalist Evan Gershkovich na ito ay makapagpiyansa.
Humirit kasi ang mga abogado nito na makapagpiyansa ng $614,000 o ilagay siya sa house arrest subalit tinanggihan ito ng korte.
Ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng pagdinig sa kaso nito mula ng maaresto siya sa Yekaterinburg city dahil sa alegasyon ng pang-iispiya.
Bukod sa kaniyang abogado ay kasama rin sa korte si US ambassador to Russia na Lynne Tracy.
Magugunitang inaresto ang 31-anyos na Wall Street Journalist noong Marso 29 at sakaling mapatunayang guilty sa pag-iispiya ay maaring makulong ito ng hanggang 20 taon.