-- Advertisements --
Natapos na ng Korean actor Jang Geun-suk ang kaniyang military services.
Ayon sa kaniyang agency, pinauwi na siya ng Seoul Metropolitin Fire and Disaster Headquarters matapos ang dalawang taon na paninilbihan.
Dahil sa ipinapatupad na social distancing bunsod ng coronavirus pandemic ay hindi na nagsagawa pa ng anumang press conference ang actor.
Noong July 16, 2018 ng magpa-enlist ang actor at nagsilbing public service worker.
ILan sa mga K-dramas nito ay ang “You’re Beautiful”, “Love Rain”, “Pretty Man” at “Switch”.