-- Advertisements --
image 263

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections ang mga solusyon upang matugunan ang vote buying sa buong bansa.

Ayon kay COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr, nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa Department of INformation and Communications Technology, kasama na ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang makagawa ng mga polisiya para mahui ang mga bumibili ng boto tuwing halalan.

Maalalang una nang inamin ni Commissioner Maceda Jr. na ang pamamayagpag ng vote buying ay maaaring sanhi ng hindi updated na legal policies sa bansa, na sinusunod para sa halalan.

Halimbawa dito aniya ang paggamit sa mga onlne platform na money transfer, bilang daan ng mg a pulitiko para makabili sila ng boto.

Pagtitiyak ng COMELEC official na ginagawa ng komisyon ang lahat ng hakbang upang matugunan ang nasabing problema sa bansa.