-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin ang pagtutulungan ng ASEAN at Russia sa halip na tunggalian.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagbubukas ng ASEAN-Russia Summit sa Kazan.

Itinampok ni Pangulong Marcos ang tatlong pangunahing layunin ng kooperasyon: mas ligtas na rehiyon laban sa terorismo at cybercrime, mas malakas na ekonomiya sa pamamagitan ng kalakalan at enerhiya, at mas pinalawak na ugnayan ng mga mamamayan sa larangan ng edukasyon at kultura.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang 35 taon ng partnership ay simula pa lamang ng mas malawak at mas matatag na ugnayan ng ASEAN at Russia sa mga susunod na taon.

Sa kabilang dako, inihayag ng Pangulo na kaniyang ikinararangal ang pagiging Co-Chair ng ASEAN-Russia Commemorative Summit kasama si Russian President Vladimir Putin. 

“We must continue to invest in these bonds, placing our youth not merely at the receiving end of this cooperation, but at its center, as the generation that will ultimately decide what ASEAN-Russia relations will become,” pahayag ng Pangulong Marcos.